cover

Bulaklak na hindi nasisikatan ng araw - Verlin Santos

如无法下载或有错误,请刷新重试或点此 反馈 给我们
Bulaklak na hindi nasisikatan ng araw-Verlin Santos.mp3
[04:40.0]May mga bulaklak na ayaw mamukadkad [04:4...
[04:40.0]May mga bulaklak na ayaw mamukadkad
[04:40.0]Kaya nagtago ka lang sa lilim ng iyong kama
[04:40.0]Ayaw mo masikatan ng araw
[04:40.0]pagkat sapat na ang sinag ng bumbilya
[04:40.0]Sa tuwing may kumakatok,
[04:40.0]parang laging walang tao
[04:40.0]Inaaya ka lang kumain pero
[04:40.0]nagpapalamon ka sa munti mong kwarto
[04:40.0]Hindi nila tuloy alam paano ka aabutin
[04:40.0]Anong aruga ang ibibigay sa taong
[04:40.0]kahit ang sarili hindi kayang arugain?
[04:40.0]Kaya ginawa mong hardin ang iyong kama
[04:40.0]nagtanim ka ng mga bulaklak na hindi pa umuusbong
[04:40.0]inihanda mo ang araw na hihiga ka na lang
[04:40.0]kapag ito na lang ang alam mong solusyon
[04:40.0]Hindi ka na sisikatan ng araw…
[04:40.0]HIndi…
[04:40.0]Hindi ka na nasisikatan pa ng araw
[04:40.0]palagi kang nanghihina
[04:40.0]kung bakit hindi namumukadkad ang bulaklak
[04:40.0]kasi wala ring nakakakita
[04:40.0]hindi ka naman tulog pero lagi kang nakapikit
[04:40.0]mahirap iahon ang taong ayaw magpasagip
[04:40.0]hirap kang ikilos ang mga bagay
[04:40.0]mas madalas mong sinasarili
[04:40.0]Nakakubli ka lang parati sa anino ng iyong pangamba
[04:40.0]na baka hindi ka matanggap o di kaya’y bigla kang alipustahin.
[04:40.0]Takot ka sa maraming bagay pero mas takot kang hindi mahalin.
[04:40.0]Bakit? Hindi mo ba iniibig ang iyong sarili?
[04:40.0]Nilamon ka na ba ng mga bagay na hindi mo masabi?
[04:40.0]Marami ang takot lumabas
[04:40.0]pero hindi mo alam kung gaano kalakas ang marami
[04:40.0]takot kang ipahayag ang isang kwento
[04:40.0]pero lagi kang nasa engkwentro
[04:40.0]kapag kausap lang ang sarili
[04:40.0]Sa dami ng may bitbit nito
[04:40.0]dapat mas lalong ibinoboses
[04:40.0]‘yong mga saklolo
[04:40.0]‘yong mga panawagan
[04:40.0]higit lalo sa mga taong wala namang kalaban-laban
[04:40.0]Uqulanin ka ng lait at panghuhusga
[04:40.0]ng mga mangmang sa ganitong bagay
[04:40.0]lalayuan ka at itatakwil
[04:40.0]kung minsan kahit sa sarili mong bahay
[04:40.0]Kaya Lumabas ka
[04:40.0]Yakapin mo ang katotohanan
[04:40.0]Doon lang nagsisimula ang pagbabago
[04:40.0]kapag hindi mo na iniiwasan
[04:40.0]Totoo ang karamdaman mo
[04:40.0]ngunit totoo ring may magagawa ka
[04:40.0]ipaliwanag ang kasalukuyan sitwasyon
[04:40.0]ipaalam sa mga tao
[04:40.0]ang depinisyon ng depresyon
[04:40.0]humahantong ito sa kamayan
[04:40.0]Mahirap makipagtunggali sa sakit na
[04:40.0]hindi mahanapan ng tiyak na lunas
[04:40.0]At kung pag-ibig lang at pag-unawa
[04:40.0]ang mayroon tayo ngayon,
[04:40.0]bakit pa natin ipagpapabukas?
[04:40.0]Ang sabi nila,
[04:40.0]para mamukadkad at lalong lumitaw
[04:40.0]ang yumi ng isang bulaklak,
[04:40.0]dapat itong mahalin.
[04:40.0]Kung magandang pagmasdan ang isa,
[04:40.0]ano pa kaya kung isa itong malawak na hardin?
展开